Sabado, Oktubre 25, 2014

Confession #6

Paano mo nga ba masasabing hindi na nagwowork yung relationship nyo? 
  • Palaging nag-aaway. Hindi ba’t normal lang yung sa isang relasyon. Siguro hindi nyo lang kayang ihandle ang mga problema nyo. Kung galit yung isa, dapat yung isa kalma lang kasi kapag pareho kayong nagalit, wala talagang maaayos na problema dyan.
  • Wala ng spark. Mahalaga talaga sa isang relationship na manatili yung spark. Pero paano? Ganito na lang yan.  Kung palagi kayong magkasama, may tendency na magkasawaan kayo. Parang pagkain lang yan, kung palaging sinigang ang ulam mo, minsan nawawalan ka na ng ganang kumain kasi sawa ka na sa lasa. Give time for yourself. Kung nasa isang relationship kayo, magpamiss kayo sa isa’t isa para kahit papano, hahanap-hanapin ka nya at dun mananatili yung spark at yung love nyo para sa isa’t-isa.
  • Walang communication. Isa rin yan sa mga factors kung bakit hindi nagwowork yung relationship. Ang communication kasi eh importante talaga. Kasi paano nyo maaayos ang mga bagay kung hindi kayo mag-uusap. Kung nasa-LDR naman kayo, anong ginagawa ng mga cellphones at computers? Pwede kayong mag-usap through that. Wag na wag nyong sasabihing wala kayong time for each other, kasi kung gusto nyo talaga, gagawin nyo yun.
  • May nakita ng iba. Ito ang pinaka-common na dahilan ng break-up. May nakitang iba. At ito rin ang pinakamasakit. Pero bakit nga ba naghahanap ang isang tao ng iba gayung committed na sya? Ganito lang yan, maaaring may mga bagay na hindi nya makita sayo na nakita nya sa iba. At siguro mas nafeel nyang mahalaga sya sa piling ng iba kesa sa piling mo. Kaya kung nasa isa kang relationship, gawin mo ang lahat para mafeel nyang deserving ka talaga para sa kanya.
Alam ko, wala talagang perfect relationship. Nasa tao yan, kung marunong silang maghandle at umunawa, believe me, magtatagal sila.

Biyernes, Oktubre 24, 2014

Confession #5

Natural sa aming mga lalaki na ligawan ang gusto naming babae. Pero paano nga ba natin malalaman na gusto na natin ang isang babae? May iba kasing unang makita pa lang yung babae eh inlove na kaagad. May iba naman na nililigawan ang isang babae pero hindi naman nya talaga ito mahal. Pinaglalaruan lang parang ganun. At may iba din namang nililigawan ang isang babae kasi alam ng lalaki na may gusto yung babae sa kanya.
  • Una, kapag napapangiti ka nya hindi gaya ng iba. Yun bang makita mo lang sya, buo na ang araw mo.
  • Pangalawa, kapag nag-eeffort ka para mapansin nya at para malaman nya kung gaano sya kaimportante sayo.
  • Pangatlo, kapag kinakabahan ka sa twing kausap, kasama or katabi mo sya. 
Ilan lamang yan sa mga sign na gusto mo na talaga ang isang babae at dun mo lang pwedeng gawin ang panliligaw mo. Sa panliligaw, dapat may mga bagay ka rin na dapat malaman. Hindi lang basta ka makapanligaw.
  • Dapat kilalalin mo muna ang taong gusto mong ligawan. Alamin mo ang kanyang mga interest at ambition sa buhay. Mahalaga ito kasi para sa una palang alam mo na at hindi yung magugulat ka nalang kapag kayo na.
  • Dapat kaibiganin mo rin sya. Lahat naman talaga ng pumapasok sa isang relationship, sa pagkakaibigan nagsisimula. Mahalaga ito kasi mas magkakaroon kayo ng mas matibay na relationship.
  • Tayong mga lalaki, hindi dapat tayo matakot sa rejection. Hindi naman lahat ng gusto nating babae eh gusto or magugustuhan rin tayo. Kaya kung nireject man tayo ng babaeng gusto natin, wag tayong maging bitter. Accept the fact na hindi talaga pwede. Move on nalang. 
  • Effort. Dapat ipakita mo sa kanya na karapat-dapat ka sa posisyon para tawaging “boyfriend” nya.
  • Matuto tayong maghintay. May mga babae kasing masyadong pakipot at kinakailangan talagang maghintay ka. Minsan gusto ka nya pero hindi nya sinasabi at kelangan talaga ay kulitin mo sya at hintayin syempre. Tandaan mo, kung may tyaga kang maghintay, makukuha mo ang gusto mong sagot sa isang babae. Kung mahal mo naman talaga ang isang babae, matututo kang maghintay kahit gano katagal kasi nga mahal mo. Kung hindi ka naman makapaghintay, hindi na nya yun kasalanan kung masyado kang mainipin. 
Para sa ating mga lalaki, hindi naman porket hindi tayo pinayagang manligaw ay ibig sabihin na nun eh hindi nila tayo gusto, may mga babae lang talaga na mas pinipili yung relationship na kung saan dun magtatagal.

Huwebes, Oktubre 23, 2014

Confession # 4

Ang sarap pumasok sa isang relationship na kinaiinggitan ng lahat. Yung tipong sasabihin nila sayo na, “Uy, ang swerte mo. Sana ganyan din kami ng girlfriend/boyfriend ko. Nakakainggit kasi kayo.”
Ang sarap ng feeling kapag ganun diba? Yung parang perfect na perfect kayong dalawa. Yung feeling na ginawa talaga kayo para sa isa’t isa. Maraming naghahangad ng ganyang relationship at isa na ako dun. 
Ilan lamang ang nakakaranas ng mga ganitong klaseng relationship. Bakit?
  • Kulang sila sa pasensya. Konting problema lang, lalo nilang pinapalaki. 
  • Palaging naghahanap ng kamalian ng bawat isa.
  • Gusto nila “perfect” palagi kaya nauuwi rin sa hindi pagkakaunawaan.
Ang isang relationship kasi hindi palaging perfect. Hindi relationship ang tawag kung walang problema. Nagmumukha lang perfect ang isang relationship kasi marunong maghandle ng mga problema yung dalawang tao na yun.

Confession # 3

Hindi naman lahat ng relationship ay nauuwi sa happy ending. Kahit na matagal na kayong magkasama, hindi pa rin natin maiiwasan ang magkasawaan at nauuwi ito sa break-up. Kaya hindi sukatan or batayan ang haba ng taon na pinagsamahan nyo para masabing nasa isang perfect relationship kayo kasi once na nagkasawaan na, unti-unti nang nawawala yung love hanggang mapunta nga ito sa break up.
Pero ano nga ba ang mga ‘di dapat gawin after ng break up? 
  • Hindi naman tamang maging malungkot ka at magmukmok sa kwarto mo. Kasi hindi naman buhay mo yung nawala, pwede ka pa rin namang maging masaya kahit na wala sya or wala kang karelasyon. Oo, masakit nga yung break-up mo pero diba’t mas magiging malungkot ka kung iisipin mo pa lalo yun. May tamang tao na nilaan sayo si God, siguro hindi pa lang time para makilala mo sya. 
  • Hindi rin naman tama na maging bitter ka dun sa taong yun. Oo nga at nagbreak kayo pero hindi naman ibig sabihin nun na matatapos na rin yung friendship nyo. Syempre may pinagsamahan rin kayo at panget naman kung ibabasura nyo na lang yun. Minsan kasi, yung mga taong tinatapos na ang relationship at pinipili na lang na maging friends, minsan sila pa rin yun nagkakatuluyan. Bumabalik kasi yung feelings nila for each other at malimit mas nagiging okay kasi alam na nila yung mga possibleng problema nila at mas handa na silang ihandle ang mga yun.
  • Syempre lalong hindi tama ang maghanap ng iba para lang makamove on. Andyan naman ang pamilya mo at kaibigan para makamove on ka eh. Ang sama naman kung hahanap ka pa talaga ng panakip butas sa sakit na dinulot nung past relationship mo. Para ka lang naglagay ng band aid sa isang sugat. On the outside, parang hindi masakit pero sa loob ramdam mo yung kirot. Paano kung hindi ka nakamove on dun sa pinalit mo, eh di masasaktan naman yung tao? You should also consider others feelings at hindi lang yung sayo. Palagi mo rin dapat tatandaan ‘to: People may leave pero may dadating rin na bago. Kaya paano darating yung bago kung patuloy ka paring aasa sa luma? and one thing, kung magmomove on ka, don’t use other people’s feelings. Nakamove on ka nga, nakasakit ka naman.
Ilan lamang yan sa mga bagay na sa tingin ko ay hindi tamang gawin after ng break up. Wala namang masayang break up. Pero I know that it’s part of our lives. Gaya nga ng nasabi ko, kung nadapa ka, be proud at tumayo ka na parang walang nangyari. Dapat magsilbing lesson yun sayo to do better.

Confession #2

  1. Bago ka kasi pumasok sa isang relationship dapat sigurado ka muna. Una, sigurado ka dapat sa feelings mo sa kanya. Minsan kasi namimis-understood natin ang mga salitang crush, infatuation, lust at love. Kung papasok ka sa isang relationship, dapat love ang dahilan nun at hindi lust. Hindi crush at hindi infatuation. 
  2. Balance everything. Hindi porket nasa isang relationship ka eh dun ka na lang magfofocus. Tandaan mo, andyan pa ang pamilya at mga kaibigan mo. Hindi sya ang mundo mo, okay? Wag mong pabayaan na mawala yung iba mong priority ng dahil lang sa isang tao. 
  3. Alam naman natin na lahat ng sobra ay masama. Kaya bago ka pumasok sa isang relationship, alam mo dapat na hindi mo dapat ibigay ang buong sarili mo sa kanya. Kasi mabilis syang magsasawa kapag ganun. Dapat yung tama lang para hanap-hanapin pa rin nya yung sweetness sayo.
  4. Mahalaga rin sa dalawang taong nasa isang relationship ang salitang TRUST. Hindi ito yung brand ng condom kundi ito yung bagay na mas makakapagpatatag ng relasyon nyo. Anong silbi ng isang relationship kung wala kayong tiwala sa isa’t isa diba?
  5. At ang huling payo ko eh para sa mga teenager na makakati ang mahaharot. Hinay-hinay lang kayo. May tamang panahon para sa lahat. Maghintay naman. Ang mabuting gawin ay ang magfocus sa pag-aaral para magkaron ng maayos na trabaho. Hindi yung puro harutan ang inuuna. Maraming tao sa mundo, hindi ka mauubusan.

Confession #1

Sa pagdaan ng mga araw, marami akong narerealize. Mga life lessons na babaunin natin sa pagdaan ng panahon. 
  • Una, mahalin natin ang ating mga magulang. Kahit na nakakabingi at paulit-ulit na yung mga sinasabi nila, wag tayong mainis or magalit kasi para din naman sa atin yung mga sinasabi nila. Tandaan natin na magiging magulang rin tayo pagdating ng panahon at alam ko na ganun din gagawin natin sa mga magiging anak natin. Tandaan mo rin na kahit iwan ka ng mga kaibigan mo, HINDING-HINDI tayo iiwan ng mga magulang natin kahit gaano pa tayo pasaway. Ganun nila tayo kamahal.
  • Pangalawa, kung may mahal tayo, wag nating ibigay lahat. Magtira ka rin para sa sarili mo. Isa bagay kung bakit tayo nasasaktan ng sobra. Kasi ibinibigay natin ang lahat para sa isang tao na hindi naman marunong mag-appreciate. Ipakita natin na mahal natin pero wag naman sobra. Wag mo namang gawing parang sya na mundo at parang sya na lang ang nag-iisang tao sa mundo. Kapag kasi nawala sya, sobra kang masasaktan.
  • Pangatlo, gawin mo lahat para matupad yung mga pangarap mo sa buhay. Wag ka lang basta mangarap. Wag mong hayaang maging pangarap nalang lahat. Gumawa ka rin ng paraan para matupad yun. 
  • Learn how to trust people. Hindi yung basta-basta ka na lang magtitiwala. Kilalanin mo muna yung tao bago mo pagkatiwalaan. Maraming issue na ganito lalo na pagdating sa kaibigan. 
  • Know your TRUE friends. Minsan kung sino pa yung mga palagi mong kasama, sila pa yung may ganang makipag-plastikan sayo. Minsan kasi nalalaman mo talaga kung sino ang tunay mong kaibigan kapag magkalayo kayo.
  • Be true to yourself. Wag kang plastik! Kung may ayaw ka sabihin mo, pero control lang din baka kasi sumobra. Tandaan, lahat ng sobra ay masama. May magalit man sayo, at least totoo ka kesa naman maging plastik ka para lang ma-please ang lahat.
  • Always pray. Ito ang hindi dapat mawala sa daily routine natin. Palagi dapat tayong magpasalamat kay God sa lahat ng blessings na binibigay nya sakin. Ipagdasal din natin na bigyan Nya tayo ng strength para harapin ang kung ano mang problema ang dadating sa ating buhay.
Mahaba pa ang lalakbayin natin pagdating sa buhay. Marami pang pagsubok ang dadating sa atin. Kaya tandaan natin ang ilan lamang sa mga life lessons na pwedeng nating alalahanin sa ating paglalakbay sa buhay. Ingat! -Alex