Huwebes, Oktubre 23, 2014

Confession #1

Sa pagdaan ng mga araw, marami akong narerealize. Mga life lessons na babaunin natin sa pagdaan ng panahon. 
  • Una, mahalin natin ang ating mga magulang. Kahit na nakakabingi at paulit-ulit na yung mga sinasabi nila, wag tayong mainis or magalit kasi para din naman sa atin yung mga sinasabi nila. Tandaan natin na magiging magulang rin tayo pagdating ng panahon at alam ko na ganun din gagawin natin sa mga magiging anak natin. Tandaan mo rin na kahit iwan ka ng mga kaibigan mo, HINDING-HINDI tayo iiwan ng mga magulang natin kahit gaano pa tayo pasaway. Ganun nila tayo kamahal.
  • Pangalawa, kung may mahal tayo, wag nating ibigay lahat. Magtira ka rin para sa sarili mo. Isa bagay kung bakit tayo nasasaktan ng sobra. Kasi ibinibigay natin ang lahat para sa isang tao na hindi naman marunong mag-appreciate. Ipakita natin na mahal natin pero wag naman sobra. Wag mo namang gawing parang sya na mundo at parang sya na lang ang nag-iisang tao sa mundo. Kapag kasi nawala sya, sobra kang masasaktan.
  • Pangatlo, gawin mo lahat para matupad yung mga pangarap mo sa buhay. Wag ka lang basta mangarap. Wag mong hayaang maging pangarap nalang lahat. Gumawa ka rin ng paraan para matupad yun. 
  • Learn how to trust people. Hindi yung basta-basta ka na lang magtitiwala. Kilalanin mo muna yung tao bago mo pagkatiwalaan. Maraming issue na ganito lalo na pagdating sa kaibigan. 
  • Know your TRUE friends. Minsan kung sino pa yung mga palagi mong kasama, sila pa yung may ganang makipag-plastikan sayo. Minsan kasi nalalaman mo talaga kung sino ang tunay mong kaibigan kapag magkalayo kayo.
  • Be true to yourself. Wag kang plastik! Kung may ayaw ka sabihin mo, pero control lang din baka kasi sumobra. Tandaan, lahat ng sobra ay masama. May magalit man sayo, at least totoo ka kesa naman maging plastik ka para lang ma-please ang lahat.
  • Always pray. Ito ang hindi dapat mawala sa daily routine natin. Palagi dapat tayong magpasalamat kay God sa lahat ng blessings na binibigay nya sakin. Ipagdasal din natin na bigyan Nya tayo ng strength para harapin ang kung ano mang problema ang dadating sa ating buhay.
Mahaba pa ang lalakbayin natin pagdating sa buhay. Marami pang pagsubok ang dadating sa atin. Kaya tandaan natin ang ilan lamang sa mga life lessons na pwedeng nating alalahanin sa ating paglalakbay sa buhay. Ingat! -Alex

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento