Biyernes, Oktubre 24, 2014

Confession #5

Natural sa aming mga lalaki na ligawan ang gusto naming babae. Pero paano nga ba natin malalaman na gusto na natin ang isang babae? May iba kasing unang makita pa lang yung babae eh inlove na kaagad. May iba naman na nililigawan ang isang babae pero hindi naman nya talaga ito mahal. Pinaglalaruan lang parang ganun. At may iba din namang nililigawan ang isang babae kasi alam ng lalaki na may gusto yung babae sa kanya.
  • Una, kapag napapangiti ka nya hindi gaya ng iba. Yun bang makita mo lang sya, buo na ang araw mo.
  • Pangalawa, kapag nag-eeffort ka para mapansin nya at para malaman nya kung gaano sya kaimportante sayo.
  • Pangatlo, kapag kinakabahan ka sa twing kausap, kasama or katabi mo sya. 
Ilan lamang yan sa mga sign na gusto mo na talaga ang isang babae at dun mo lang pwedeng gawin ang panliligaw mo. Sa panliligaw, dapat may mga bagay ka rin na dapat malaman. Hindi lang basta ka makapanligaw.
  • Dapat kilalalin mo muna ang taong gusto mong ligawan. Alamin mo ang kanyang mga interest at ambition sa buhay. Mahalaga ito kasi para sa una palang alam mo na at hindi yung magugulat ka nalang kapag kayo na.
  • Dapat kaibiganin mo rin sya. Lahat naman talaga ng pumapasok sa isang relationship, sa pagkakaibigan nagsisimula. Mahalaga ito kasi mas magkakaroon kayo ng mas matibay na relationship.
  • Tayong mga lalaki, hindi dapat tayo matakot sa rejection. Hindi naman lahat ng gusto nating babae eh gusto or magugustuhan rin tayo. Kaya kung nireject man tayo ng babaeng gusto natin, wag tayong maging bitter. Accept the fact na hindi talaga pwede. Move on nalang. 
  • Effort. Dapat ipakita mo sa kanya na karapat-dapat ka sa posisyon para tawaging “boyfriend” nya.
  • Matuto tayong maghintay. May mga babae kasing masyadong pakipot at kinakailangan talagang maghintay ka. Minsan gusto ka nya pero hindi nya sinasabi at kelangan talaga ay kulitin mo sya at hintayin syempre. Tandaan mo, kung may tyaga kang maghintay, makukuha mo ang gusto mong sagot sa isang babae. Kung mahal mo naman talaga ang isang babae, matututo kang maghintay kahit gano katagal kasi nga mahal mo. Kung hindi ka naman makapaghintay, hindi na nya yun kasalanan kung masyado kang mainipin. 
Para sa ating mga lalaki, hindi naman porket hindi tayo pinayagang manligaw ay ibig sabihin na nun eh hindi nila tayo gusto, may mga babae lang talaga na mas pinipili yung relationship na kung saan dun magtatagal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento