Huwebes, Oktubre 23, 2014

Confession # 3

Hindi naman lahat ng relationship ay nauuwi sa happy ending. Kahit na matagal na kayong magkasama, hindi pa rin natin maiiwasan ang magkasawaan at nauuwi ito sa break-up. Kaya hindi sukatan or batayan ang haba ng taon na pinagsamahan nyo para masabing nasa isang perfect relationship kayo kasi once na nagkasawaan na, unti-unti nang nawawala yung love hanggang mapunta nga ito sa break up.
Pero ano nga ba ang mga ‘di dapat gawin after ng break up? 
  • Hindi naman tamang maging malungkot ka at magmukmok sa kwarto mo. Kasi hindi naman buhay mo yung nawala, pwede ka pa rin namang maging masaya kahit na wala sya or wala kang karelasyon. Oo, masakit nga yung break-up mo pero diba’t mas magiging malungkot ka kung iisipin mo pa lalo yun. May tamang tao na nilaan sayo si God, siguro hindi pa lang time para makilala mo sya. 
  • Hindi rin naman tama na maging bitter ka dun sa taong yun. Oo nga at nagbreak kayo pero hindi naman ibig sabihin nun na matatapos na rin yung friendship nyo. Syempre may pinagsamahan rin kayo at panget naman kung ibabasura nyo na lang yun. Minsan kasi, yung mga taong tinatapos na ang relationship at pinipili na lang na maging friends, minsan sila pa rin yun nagkakatuluyan. Bumabalik kasi yung feelings nila for each other at malimit mas nagiging okay kasi alam na nila yung mga possibleng problema nila at mas handa na silang ihandle ang mga yun.
  • Syempre lalong hindi tama ang maghanap ng iba para lang makamove on. Andyan naman ang pamilya mo at kaibigan para makamove on ka eh. Ang sama naman kung hahanap ka pa talaga ng panakip butas sa sakit na dinulot nung past relationship mo. Para ka lang naglagay ng band aid sa isang sugat. On the outside, parang hindi masakit pero sa loob ramdam mo yung kirot. Paano kung hindi ka nakamove on dun sa pinalit mo, eh di masasaktan naman yung tao? You should also consider others feelings at hindi lang yung sayo. Palagi mo rin dapat tatandaan ‘to: People may leave pero may dadating rin na bago. Kaya paano darating yung bago kung patuloy ka paring aasa sa luma? and one thing, kung magmomove on ka, don’t use other people’s feelings. Nakamove on ka nga, nakasakit ka naman.
Ilan lamang yan sa mga bagay na sa tingin ko ay hindi tamang gawin after ng break up. Wala namang masayang break up. Pero I know that it’s part of our lives. Gaya nga ng nasabi ko, kung nadapa ka, be proud at tumayo ka na parang walang nangyari. Dapat magsilbing lesson yun sayo to do better.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento