Huwebes, Oktubre 23, 2014

Confession # 4

Ang sarap pumasok sa isang relationship na kinaiinggitan ng lahat. Yung tipong sasabihin nila sayo na, “Uy, ang swerte mo. Sana ganyan din kami ng girlfriend/boyfriend ko. Nakakainggit kasi kayo.”
Ang sarap ng feeling kapag ganun diba? Yung parang perfect na perfect kayong dalawa. Yung feeling na ginawa talaga kayo para sa isa’t isa. Maraming naghahangad ng ganyang relationship at isa na ako dun. 
Ilan lamang ang nakakaranas ng mga ganitong klaseng relationship. Bakit?
  • Kulang sila sa pasensya. Konting problema lang, lalo nilang pinapalaki. 
  • Palaging naghahanap ng kamalian ng bawat isa.
  • Gusto nila “perfect” palagi kaya nauuwi rin sa hindi pagkakaunawaan.
Ang isang relationship kasi hindi palaging perfect. Hindi relationship ang tawag kung walang problema. Nagmumukha lang perfect ang isang relationship kasi marunong maghandle ng mga problema yung dalawang tao na yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento