Huwebes, Oktubre 23, 2014

Confession #2

  1. Bago ka kasi pumasok sa isang relationship dapat sigurado ka muna. Una, sigurado ka dapat sa feelings mo sa kanya. Minsan kasi namimis-understood natin ang mga salitang crush, infatuation, lust at love. Kung papasok ka sa isang relationship, dapat love ang dahilan nun at hindi lust. Hindi crush at hindi infatuation. 
  2. Balance everything. Hindi porket nasa isang relationship ka eh dun ka na lang magfofocus. Tandaan mo, andyan pa ang pamilya at mga kaibigan mo. Hindi sya ang mundo mo, okay? Wag mong pabayaan na mawala yung iba mong priority ng dahil lang sa isang tao. 
  3. Alam naman natin na lahat ng sobra ay masama. Kaya bago ka pumasok sa isang relationship, alam mo dapat na hindi mo dapat ibigay ang buong sarili mo sa kanya. Kasi mabilis syang magsasawa kapag ganun. Dapat yung tama lang para hanap-hanapin pa rin nya yung sweetness sayo.
  4. Mahalaga rin sa dalawang taong nasa isang relationship ang salitang TRUST. Hindi ito yung brand ng condom kundi ito yung bagay na mas makakapagpatatag ng relasyon nyo. Anong silbi ng isang relationship kung wala kayong tiwala sa isa’t isa diba?
  5. At ang huling payo ko eh para sa mga teenager na makakati ang mahaharot. Hinay-hinay lang kayo. May tamang panahon para sa lahat. Maghintay naman. Ang mabuting gawin ay ang magfocus sa pag-aaral para magkaron ng maayos na trabaho. Hindi yung puro harutan ang inuuna. Maraming tao sa mundo, hindi ka mauubusan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento